“NANG SI NENA AT TOTOY AY MAGLRO NG APOY”

boyfriendforlife's picture

“NANG SI NENA AT TOTOY AY MAGLRO NG APOY”
“A realization”

Nitong mga nakaraang araw, naagaw ang aking atenxion ng mga palabas tungkol sa mga kabataang nalululong di lamang sa mga bisyo tulad ng alak, droga, at kung anu-anong bisyo, kundi pati sa “SEX”. Ang SEX o ang actual at sagradong pagtatalik, na isang biyaya ng diyos na ibinibigay sa tamang panahon, sa tamang oras at sa tamang tao. “Sex is a wonderful and sacred act created by God for means of giving birth and bringing a wife and a husband closer together and be as one. “

Nuong bata akoh, edad 8-12 ang kalsada ang nagsilbing palaruan sa akin, takbo dito, takbo doon, tagu-taguan dito, hanapan duon, mga bagay na napakahalagang gawin ng isang bata na tulad koh nuong panahong iyon. Mga bagay na nakakapag pasaya sa akin.

Pero nagbago na nga ito, kasabay ng pag lipas ng panahon ay ang paglipas din ng mga alaalang minsan koh ng nilaro. Masasabi kong ngabago at unti-unti nang humihiwalay ang mga batang minsang ng tinaguriang “PAGASA NG BAYAN”. At ito ang mga bagay na pinagkait sa mga batang napanoud koh sa isang dokumentaryo, dahil sa edad na 10, onse, 12, trese, 14, kinse. Iba na ang kanilang nilalaro... ito ay hndi mga bagay o mga laro na ginawa koh nung nasa parehas na edad akoh, dahil ang nilalaro nila ay mga APOY.. mga apoy na nakakapaso, at maaring makasakit sa murang isipan at karanasan ng mga paslit at walang muwang na bata.

Ayon sa datos na kanilang nilabas, mula sa edad na 12-18 ang mga kabataang pagasa ng bayan ay mulat na sa gawain ng pakikipagtalik o SEX at hndi lang mulat , ang masakit GINAGAWA na nila ito sa murang edad, oo ,PRE MARITAL SEX…nakakabahala dahil sa ganitong edad isa na sila sa biktima ng mga impluwensiya ng media, kaibigan, pamilya, classmate at maging sa ilang samahan. Isa sa nakikita kong dahilan ay ang kumakalat na mga materials sa internet, oo, pornograpiya! Isang search lang, tayp, at click at unti-unti nang sinisira ang mura nilang isipan, minsan naman, peer pressure, akala ng mga kabataan na kapag ikaw ay “hndi na virgin”, IN kana! For God sake! Hndi damit ang pakikipag talik para maging IN ka sa USO! Kadalasan, ina-associate ito sa mga kalalakihan, pag virgin ka pa daw isa kang bading o bakla, kaya yung iba napipilitan makipag talik, MASABI LANG NA HNDI SILA BAKLA.. nakakalungkot, na ganito ang nasa isip ng mga batang susunod sa aking henerasyon.

Nakakalungkot mang isipin na ang mga tinaguriang “Pag-asa ng Bayan” ni gat Jose Rizal ay hndi libro at sandata sa musmos nilang isip, kundi CONDOM.. oo, condom dahil sa mga edad nilang yon dinadala na nila ang mga sakit gaya ng STD o tulo. A week after ng dokumentaryong iyon napalabas sa balita na may 13 anyos na binata ang isa ng AMA sa isang bansa sa europa. Marahil, mas liberated ang kontinenteng iyon. Pero lubhang nakakabahala dahil ang ating bansa na kilala sa pagiging konserbatibo ay pinapractice ang ganung uri ng gawain at ang masama ginagawa ito hndi ng mga nasa wastong isip kundi nang mga paslit at musmos na sina nene at totoy.

Sa edad na yon, unti-unti palang hinuhubog ang mga isip ng mga paslit, hinuhubog ang kanilang pagkatao, ang kanilang minimithing pangarap, ang tama sa mali at mali sa tama. Pero paano sila mahuhubog ng maayos kung ang kanilang pundasyon ay mahina at marupok? Kung ang kanilang sandata ay sex at condom? Paano nalang kung nasa wastong isip na sila? Wag naman sana nilang madala ang kanilang kinamulatan..

Nakakabahala para sa akin, kung ano nalang ang mangyayari sa mga batang susunod sa aking henerasyon, sampung taon ngayon baka ang mga nene at totoy na naglalaro ng bahay bahayan ay may dala-dala ng anak. Wag naman sana.. may mga pinsan din akoh at kapatid na nasa parehong edad ng mga batang nasa dokumentaro ayokong isipin na darating ang panahon isa na rin sila sa mga batang naglalaro ng apoy..

I think the government should be alarmed by this news, ito ay totoong nangyayari sa lipunan, ang mundong ating ginagalawan. Siguro nga may malaking impluwensya ang media, ang mundo na akin nang susunod na patutunguhan pagkatapos kong magmartsa.
Oo, totoo, makapangyarihan ang MEDIA, dahil isa ito sa mga pangunahing dahilan upang makapag impluwensiya ng tao. Sabi nga ni Marshall Mcluhan sa kanyang teoryang “Technological Determinism” –the media have the power to initiate the cultivation of culture and morality in our country. At ang channels ng kumunikasyon ang pangunahing dahilan ng “Cultural change”.

Hindi nyo ba napapansin na mas madami ang mga ADS ng CONDOM kesa sa mga values formation na inilalabas?? Oo, nga naman walang pera o budget na inilalan para doon, pero bakit sa iba meron? At nakakapag tataka na may lumalabas na ganitong ads sa tanghaling tapat?knowing na may mga batang nanunuod,oo hndi tuwirang binbigay ang impormasyong ito, pero paano kung matnanong ang mga batang nakapanuod nito? Masasabi moh ba sa kanya kung para saan yoon , paano ginagamit at saan ginagamit?

Nasaan na ang mga molder of the society? Ang mga ahensya na dapat gumagabay sa kanila? Ang mga ina at ama na dapat na unang gumagabay sa kanila sa dapat nilang ginagawa?

Sa panahon ngayon, hndi na mahalaga kung sino ang mali at dapat managot, ang mahalaga mailigtas natin ang mga batang naging biktima at nakaranas ng maling Gawain.
Paanoh? Kahit simpleng bagay lang, malaki rin ang maitutulong.. ang simpleng pag sita, o pag sabi ng mali ay makatutulong sa kanila, hndi kinakailanagn ng malawakang pag aklas o anu pa man, simulan natin sa scratch, “parang isang puno ng mangga, itanim moh sa lupang malusog, tiyak sa darating na panahon ay mamumunga ng magandang prutas”


don't impose ur standards on others nazi

nung panahon bago nung panahong tinutukoy mo mas mababa ang marrying age, 12 years old lang pde na mag-asawa. di isyu ang edad, kulang ka lang sa edukasyon at sa dilig kaya ka nagmamaktol ng ganyan. iligo mo na lang yan!