Auditions for Cast of "Pisay" (Science High)
Posted at the writers_studio yahoogroup:
Magandang araw, mga kapatid, from Henry of Batch 11.
Gusto niyo bang:
- makasali sa pelikula ng isang multi-award-winning direktor?
- maiba naman sa mga palabas na panay bulakbol o bopol ang
paglalarawan sa kabataang Pilipino?
- ma-launch sa 2007 Cinemalaya Phil. Independent Filmfest?
AUDITIONS FOR CAST OF:
"PISAY" (SCIENCE HIGH)
Mga kailangan:
a) 13-18+ y/o (basta mukha pang highschool), male and female, as
high school students of Phil. Science
b) 20-30+ y/o, female and male, as teachers
- may karamihan po ang cast ng pelikula. Sa CCP nitong nakaraang
sabado't linggo mahigit 200 ang nag-audition (para sa 9 na
pelikulang ihahandog ng Cinemalaya).
- Iminumungkahi na maghanda ng kapirasong papel na may pangalan at
contact information at bagu-bagong picture (kung meron lang, di
required).
Kailan:
Pebrero 10 and 11, 2007 (Sabado at Linggo)
Simula 2:00 ng hapon
Saan:
329-A Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila
Landmark: Ang Sta. Teresita ay unang kalye malapit sa ilalim ng
Nagtahan bridge (papuntang Mendiola) at/o MRT 2 riles. May stasyon
ng bus sa kanto nito. Ipagtanong saan ang bahay ni Direk Auraeus
Solito.
Tungkol saan ang pelikula:
Ang "Pisay" ay kuwentong bumabaybay sa buhay ng ilang mag-aaral sa
Phil. Science High School noong dekada 80, sa bisperas ng pag-aaklas
sa EDSA. Binatay sa isang kathang isip na kuwentong binuo mula sa
mga kuwento ng iba't-ibang tao.
Mabuhay ang mga manunulat!



