All for you

| | | | |
all for you
mmmm
Tata Pislan

Dapat ka bang huminto sa sasakyan kapag nakita mo siya nakasakay sa duyan, nakikinig sa kanyang mga awitin sa ipod? o maging emoted ka na lng sa kanya, patuloy sa iyong paroroonan..

may 2nd chance pa ba kaya na makita mo siya.. o kayay sumakay ka n lng ng parati para makita mo ang isang gwapong lalaki na sa tingin mo ay maging kayo?... TZURE OI!!

Si Yem (Jimmy Sandoval) isang napakaganda, simply, pasaway, mabait at matalino, anak ng isang mayamang negosyante at nag iisang babaeng apo ng mga Sandoval clan.

NAKAPAGTAPOS ng kursong business administration si Jimmy sa isang unibersidad sa manila bilang isang summa cum laude.. Kaya mo? dahil ito ang gusto ng kanyang ama at lolo.

dahil rin dito ay kumuha ng ikalawang kurso na guro si yem gayun parin summa ang titulo na nakuha sa ikalawang pagkakataon... nakzz naman ng kwentong ito... astig

Si Carrem.. Best friend ni yem... nakapagtapos ng edukasyon, cum laude ang nakamit na karangalan.. humingi ng chance si carrem kay yem na mag subtitute muna sa pinagtatrabahuan niya sa probinsiya,isang elementarya na nasa probinsiya ng Bohol. Agad namang kinausap ni Yem ang mga magulang na pupunta sa probinsiya ng Bohol para pumalit muna bilang guro.. excited si Yem sa bagong experience na matuklasan niya sa kanyang career bilang guro sa elementarya.

Napabuntong hininga si Yem pagbaba pa lang ng eroplano ng Bohol. "Kaya ko 'to" sabi ni Yem sa sarili..

Mula sa airport ay sasakay ng tatlong oras si Yem bago marating ang isang baranggay. Sa bandang kanan ng Bus umupo si Yem para makita niya ang mga magagandang tanawin sa paligid habang bumibiyahe..

Hindi alintana ni Yem ang puyat sa biyahe.. makarating lang sa bayan.. masayang masaya si Yem sa mga nakikita niya sa paligid.. mga batang naglalaro, mga kalabaw, palayan, mga bahay na hindi nakikita sa maynila, mga kahoy, kaya naisip niyang kunan ang mga ito..

picture dito, picture doon., di na tumitiik ang kanyang camera, tinetest ng tinest ni yem, baka nasira na.. hanggang sa aksidenteng nakunan niya ang lalaking nakahiga sa duyan sa may ilalim ng puno ng bayabas, nakikinig na musika sa ipod niya, lalaking naka eyewear.. nakatingin n lang ang lalaki at hindi pinansin. pero lumingon si Yem sa lalaki... Gwapo. pwede kinilig ng bahagya si Yem sa gwapong lalaki.. pero di na napansin na lumagpas na pala ito..

Tambis na 'ta kinsay to'y manaog? sabi ng konduktor, nasa barangay tambis na po tayo at sino man ang bababa ay dapat ng bumaba. Eh yung Rodrigo po kuya, malayo pa ba? tanong ni Ye, Naku maam lumagpas na po kayo sagot ng konduktor.. Ano? gulat na sagot ni Yem sa konduktor. bumaba na lng si Yem sa bus at naglakad.. Dumaan siya sa may bahay ng gwapong lalaki at nakatingin siya sa may duyan kung andun pa ba ang lalaki sa duyan.. pero wala na duon ang gwapong lalaki..

nagtanong si Yem sa may tindahan.. kung malayo pa ba ang Rodrigo Elementary School, sabay turo ng matandang babae, sa unahan lng kumanan ka at lakarin mo lang, paaralan na..

Salamat po Nay,sagot ni Yem sa matanda.. at nagpatuloy sa paglalakad, napadaan sa may basketbolan si Yem, may mga naglalaro duon, nakita siya ng lalaki na kaninay siya ang aksidenteng nakunan ng picture ni Yem.

nakarating din si Yem sa paaralan pero umabot ng 4 na oras bago nakarating na dapat ay tatlong oras lng..

niyakap agad siya ni Carrem ng mahigpit sabay hawak sa tiyan.." andito na imong gwapang ante"

................

 

 Jimmy Sandoval (Yem)-- Sarah Geronimo

 Alver Jonas (tikboy)-- Gerald Anderson

 ......